Murang sibuyas at bigas, dinumog sa Kadiwa Center sa Quezon City

Dinagsa ng mga mamimili ang ibinibentang murang bigas at sibuyas sa Kadiwa Center sa harapan ng tanggapan ng Department of Agriculture (DA) sa Quezon City.

Ayon sa mga mamimili malaking tulong ang murang bigas at sibuyas na ibinibenta rito sa Kadiwa Center.

Mabibili lamang sa halagang ₱140 ang puti at pulang sibuyas habang ang bigas naman ay mabibili sa halagang ₱25 bawat kilo at apat na kilo lamang ang pwedeng bilhin.


Ikinatuwa naman ng mga mamimili ang murang bigas at sibuyas na kanilang nabibili sa Kadiwa Center dahil malaki natitipid sa kanilang budget sa pang araw-araw.

Facebook Comments