Murder at rape convict na si dating Calauan Mayor Antonio Sanchez, hindi magso-sorry sa mga pamilya ng pinatay na U.P. Los Baños Students

Nanindigan ang Convict Murderer-Rapist na si dating Calauan, Mayor Antonio Sanchez na wala siyang kasalanan sa pagkamatay ng U.P. Los Baños Student na sina Eileen Sarmenta at Allan Gomez.

Giit ni Sanchez, hindi siya magso-sorry sa pamilya Sarmenta at pamilya Gomez sa krimeng hindi naman niya ginawa.

Naniniwala ang dating alkalde na pulitika ang punot-dulo ng kanyang pagkakakulong.


Kung bibigyang makalaya ay tutulong siya sa kasalukuyang administrasyon

Umalma rito ang ina ni Eileen na si ginang Clara Sarmenta, aniya tila kinekwestyon ni Sanchez ang desisyon ng hukuman.

Kung talagang ‘frame-up’ lang ang nangyari, bakit hindi pa rin siya napapawalang sala.

Facebook Comments