MURDER CASE | Panukalang pagbibigay ng P2-M pabuya, hindi pulitika – CCW

Manila, Philippines – Planong itaas ng grupong Citizens Crime Watch (CCW) sa dalawang milyong piso ang pabuya para sa pag-aresto sa apat na militanteng lider.

Sa interview ng RMN DZXL Manila kay Citizens Crime Watch President Atty. Diego Magpantay, ito ay upang makatulong sa pagkakahuli kina dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo at Teddy Casiño, Rafael Mariano ng Anakpawis at NAPC Secretary Liza Maza ng Gabriela na nahaharap sa kasong double murder.

Kasabay nito, nilinaw ni Magpantay na wala silang motibo o hindi sila namumulitika sa pagbibigay ng pabuya.


Una nang nagpalabas ng warrant of arrest ang Palayan, Nueva Ecija Regional Trial Court laban sa apat na mga dating kongresista dahil sa kinakaharap nitong kasong double kaugnay sa umano ay pagpatay umano sa ilang miyembro ng grupong Akbayan.

Giit naman ni Bayan Muna Partylist Representative Carlos Isagani Zarate, dahil sa hakbang ng CCW ay inilagay nito sa peligro ang buhay ng apat na dating mga mambabatas.

Facebook Comments