MURDER CASE | Tracker team ng PNP, patuloy na tinutugis ang 4 na dating mambabatas

Manila, Philippines – Patuloy na tinutugis ng tracker team ng Philippine National Police (PNP) katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na dating mambabatas na nahaharap sa kasong murder.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde, nakatatanggap sila ng ulat hinggil sa status ng manhunt operation laban kina National Anti-Poverty Commission (NAPC) Secretary Liza Maza, dating Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano, at dating Bayan Muna Representatives Satur Ocampo at Teddy Casiño.

Pero hindi na idinetalye ni Albayalde ang status ng mga ito para hindi mauwi sa kapalpakan ang operasyon.


Nagbabala si Albayalde na pananagutin ang sinumang magkakanlong sa apat.

Dahil dito, nanawagan ang PNP sa apat na militanteng lider na sumuko na lamang sa mga awtoridad at harapin ang paglilitis.

Facebook Comments