Murder cases vs. Teves, isasampa na ng NBI sa susunod na linggo

Target ng National Bureau of Investigation (NBI) na maisampa ang mga kasong murder laban kay Suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr., sa susunod na linggo.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla na kakasuhan ng NBI si Teves ng murder, multiple murder at multiple frustrated murder kaugnay ng pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo at walong iba pa.

Matapos maihain ang mga reklamo ay padadalhan ng DOJ ng notice Teves sa address nito gayundin sa kanyang trabaho.


Tiniyak naman ng abodado ni Teves na si Atty. Ferdinand Topacio na handa at kaya nilang depensahan ang kongresista sa korte.

Una na ring kinumpirma ni Remulla na sinimulan na nila ang proseso ng pagdedeklara kay Teves bilang terorista.

Facebook Comments