MURDER | CIA, direktang tinukoy ang Saudi crown prince sa pagpatay kay Jamal Khashoggi

Manila, Philippines – Direktang ini-uugnay ngayon ng Central Intelligence Agency (CIA) si Saudi Crown Prince Mohammed Bin Salman sa pagkamatay ng journalist na si Jamal Khashoggi.

Si Khashoggi na sinasabing isa sa kritiko ng prinsipe, ay nauna nang napaulat na tumungo ng konsulada ng Saudi noong October 2 sa Istanbul, Turkey upang kumuha ng dokumento sa kanyang pagpapakasal pero hindi na nakalabas dahil doon daw ito pinatay.

Sa konklusyon ng CIA, pinagbasehan umano ang mga ebidensiya mula sa US Intelligence, Turkish Government, kabilang na ang sekretong recordings at iba pa.


Ayon daw sa mga imbestigador, ang ganitong uri na maselang operasyon ay hindi mangyayari kung walang go signal mula mismo kay Bin Salman.

Ang naturang impormasyon at CIA assessment ay iniulat din ng The Washington Post.

Agad namang naglabas ng statement ang Saudi Embassy upang itanggi ang naturang report.

Facebook Comments