MURDER SUSPECT sa Naga City, NAHULI sa Cabuyao City

84

Nasa custody na ngayon ng Naga City Police ang isang murder case suspect na matagal na palang nagtatago sa Cabuyao City sa probinsiya ng Laguna.
Ayon sa report ng Naga City PNP, una na silang nakipag-coordinate sa Cabuyao Police at isinagawa ang operasyon kamakalawa bandang 5:30 ng hapon. Arestado ang isang murder suspect na kinilalang si Jomelson Moraleda Y Verdejo, edad 28, binata at namamasukan bilang factory worker sa nasabing lugar.
Si Moraleda ay suspect sa isang kaso ng pagpatay dito sa Naga City. Inaresto siya sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Efren Santos ng RTC Branch 22 dito sa Naga City.
Kaagad na ibiniyahe papuntang Naga City ang suspect upang papanagutin sa kinakaharap nitong kasong pagpatay kung saan walang rekomendadong piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Facebook Comments