Museo ng Pag-asa ni dating Vice President Leni Robredo, bukas na sa publiko ngayong araw

Photo Courtesy: Atty. Leni Robredo Fakebook page

Pinasinayaan na kahapon ang Museo ng Pag-asa ni dating Vice President Leni Robredo sa Quezon City.

Kasama ni Robredo ang ilang mga bisita para sa ribbon cutting at private viewing ng naturang Museo sa bahagi ng Barangay Lourdes.

Tampok sa Museo ng Pag-asa ang mga kagamitan, regalo at mga likha na ibinigay ng kaniyang mga supporters sa kasagsagan ng 2022 election campaign period ni Robredo sa pagka-presidente.


Pormal namang bubuksan ito sa publiko ngayong araw kung saan kailangan munang magparehistro online nang libre upang makapasok dito.

Facebook Comments