MUSEO NI JESSE, Papasinayaan Bukas – August 18 – Kasama sina VP LENI at DR. ESCALANTE ng National Historical Commission

8172017NagaCity – PAPASINAYAAN BUKAS, August 18 – Jesse Robredo Day, ang JESSE ROBREDO MUSEUM sa Naga City Civic Center ganap na alas 9 ng umaga. Ito ay isa lamang sa mga programang nakatakdang ilunsad kaugnay ng pag-alala sa ikalimang death anniversary ni dating Naga City Mayor at DILG Secretary Jesse Robredo. Ang okasyon ay pangungunahan mismo ni Dr. Rene Escalante, Chairperson ng National Historical Commission.

Ang Museum ay itinuturing na pagbibigay-karangalan sa iniwang legacy ni late Secretary Jesse Robredo na siya ring utak ng transparency and good local governance sa Naga City. Ang museum na ito ay tatawaging “Museo ni Jesse” kung saan matutunghayan dito ang mga ginawa ni Robredo bilang isang ordinaryong Nagueño, magaling na lider at matapat na public servant na iniidolo ng maraming kabataan at kapwa niya opisyal ng pamahalaan sa local and national levels.

Makikita at matutunghayan din sa nasabing Museum, na may Café at Souvenir Shop, ang ilang personal na mga kagamitan ni Robredo kabilang na ang kwento-kasaysayan ng Naga City.


Pangunahing layunin ng Museum na ito na lalo pang mapatingkad at mapalawak ang inspirasyon sa publiko sa pamamagitan ng paggawa ng matino at mahusay para sa ikabubuti ng marami at ganap na ikauunlad ng bayan.

Karagdagang attraction din dito ang isang bronze-life-size-statue ni Robredo na nakaupo sa gilid ng kalye.

Ang Museum ay nabigyang buhay sa pamamagitan ng initiative ng Naga City Local Government at tulong ng National Historical Commission of the Philippines.

Facebook Comments