MUSHROOM POISONING SA PITONG RESIDENTE SA BAYAMBANG, INIIMBESTIGAHAN

Iniimbestigahan ng Rural Health Unit sa Bayambang ang naiulat na kaso ng Mushroom Poisoning sa Brgy.Tambac matapos umanong kumain ang nasa pitong katao ng ligaw na kabute na tumutubo sa ilalim ng puno ng kawayan.

Base sa ulat, Isinugod sa ospital ang pitong residente matapos umanong makaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, at diarrhea.

Dahil dito, pinag-iingat ngayon ng awtoridad ang publiko sa pagkain ng ligaw na kabute lalo kung hindi pamilyar o kilala kung anong uri ito.

Karamihan sa mga ligaw na kabute ay maaaring makalason kaya naman mainam na umiwas sa pagkain nito upang hindi mabiktima ng mushroom poisoning.

Samantala, nakauwi na ang mga pasyente at binigyan ng kaukula upang tuluyang gumaling. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments