MUSLIM COMMUNITY SA DAGUPAN CITY, PATULOY SA PAG-AAYUNO AT PAGSAMBA BAGO ANG PAGTATAPOS NG RAMADAN

Tanda ng pagpapalalim ng tradisyon at paniniwala sa relihiyong muslim; yan ituring ang pagtatapos ng ramadan para sa mga kasapi ng Muslim community sa Dagupan City.

Ayon sa ilang miyembro na nakapanayam ng IFM news Team, patuloy ang kanilang pagsamba ilang beses sa isang linggo bilang bahagi ng kanilang tradisyon kasagsagan ng Ramadan.

Estrikto rin sila sa pag-aayuno at pagbabasa ng kanilang Quran o banal na libro sa Islam.

Nag-umpisa ang Ramadan noong March 2 at nakadepende sa buwan o moon sightings ang pagtatapos nito na siyang pag-uumpisa naman ng Eid Al Fitr sa April 1.

Tradisyon rin umano nila ang pamamahagi ng bigas matapos ang ilang linggong pagsasagawa ng fasting o pag-aayuno.

Tinatayang nasa 500-700 na Muslim sa lungsod ang nagtitipon-tipon para sa pagsasagawa ng naturang tradisyon kada taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments