Muslim Community sa Tuguegarao City, Binigyan ng Tulong ng PRO2

Cauayan City,Isabela- Nag-abot na ng tulong ang pamunuan ng Police Regional Office 2 sa Muslim Community na isa sa apektado ng pananalasa ng bagyong “Maring” sa pamamagitan ng PRO2 Lingkod Bayanihan BARANGAYanihan and Duterte Legacy Barangayanihan Caravan sa Centro 10, Tuguegarao City.

Nasa kabuuang 200 muslim beneficiaries ang nabigyan ng grocery packs na naglalaman ng bigas, assorted canned goods, noodles, kape at iba pang basic necessities.

Inihayag ni PRO2 Regional Director Police Brigadier General Steve Ludan na ang Muslim community ay isa sa labis na naapektuhan ng pagbaha sa lungsod.


Itinakda rin ang araw para sa ibang mga bayan sa Cagayan na mabigyan din nila ng parehong tulong matapos maapektuhan rin ang ilang Cagayano.

Dagdag dito, nagpasalamat naman si Muslim Association President Prince Acmad Cosain sa hindi matatawarang tulong na kanilang natanggap mula sa PRO2.

Gayundin, ikinuwento rin niya ang mga nakalipas na pananalasa ng bagyo sa kanilang lugar kung saan kaagad umanong tumugon ang kapulisan sa kanilang sitwasyon.

Facebook Comments