Muslim leaders sa Metro Manila, nagsalita na tungkol sa Jolo twin bombing

Nanindigan ang mga lider ng Muslim sa Metro Manila na walang kinalaman ang relihiyon sa nangyaring pagsabog sa cathedral sa Jolo, Sulu.

Paliwanag nina Datu Basher Alonto, chairman ng Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace at Aleem Naguin Taher, NCR Mufti at scholar sa usaping Islam, na daan-daang taon na nabubuhay na mapayapa ang mga Islam at Kristiyano sa Jolo, Sulu ngunit walang nagaganap na pananakit o pagpaslang sa hanay ng mga Kristiyano.

Sa halip tinukoy nila ang mga suliraning pulitikal at social injustice na matagal nang nararanasan ng mga mamamayan ng Jolo, Sulu at ang ganito anilang insidente ay normal din na nararanasan sa ibang bansa sa buong mundo.


Naniniwala rin sina Alonto at Taher na ang nasa likod ng pagpapasabog ay mga mga indibidwal na nagpapanggap lamang na Muslim dahil ang pagpatay anila ay labag sa kautusan ng Islam at hindi mapapatawad ni Allah.

Umaasa ang dalawang lider na malulutas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing krimen.

Facebook Comments