Muslim Prayer Room sa Greenhills San Juan, ipinasara ng San Juan City government

Agad ipinag-utos ni San Juan City Mayor Francis Zamora, ang pagpapasara sa Muslim prayer room sa Greenhills matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang panibagong kaso ng Corona Virus Disease o COVID-2019.

Inatasan ni Zamora ang City health department na magsagawa ng mga disinfection sa nasabing lugar.

Ipinapahanap na rin ng alkalde ang mga taong nakahalubilo ng pasyente na nagtungo sa nasabing prayer room noong huling linggo ng buwan ng Pebrero.


Hinikayat naman ni Zamora ang publiko na maging kalmado sa kabila ng panibagong kaso ng COVID-19 kasunod ng apela na gawing regular ang paghuhugas ng kamay, paggamit ng hand sanitizer at tamang paraan ng pag-ubo.

Nakiusap din ang alkalde sa mga taong nakakaranas ng mga pag-ubo at lagnat na magtungo sa San Juan Medical Center upang maisailalim sa pagsusuri ng mga doktor.

Facebook Comments