Muslim Solon, kinukundena ang pagsabog sa Jolo, Sulu

Kinukundena ni Anak Minadanao Partylist Representative Amihilda Sangcopan ang nangyaring pagsabog sa Mt. Carmel Cathedral sa Jolo, Sulu.

Nagpahayag ng pagkadismaya ang Mindanaoan Solon dahil naganap ang pagsabog sa gitna na rin ng ipinapatupad na Martial Law sa Mindanao at sa kakatapos lamang na unang pagsasagawa ng plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL).

Hinimok ng kongresista ang PNP na magsagawa ng independent, transparent at masusing imbestigasyon sa grupong nasa likod ng pagsabog.


Samantala, hinimok naman ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano ang pamahalaan na paigtingin ng husto ang intelligence gathering at magsagawa pa ng military operations kung kinakailangan.

Naniniwala naman si Alejano na layunin ng pambobomba na balewalain ang peace efforts na ginagawa ngayon sa Mindanao Region.

Malinaw din na nais ng mga may gawa nito na manaig ang takot at pangamba sa mga residente.

Facebook Comments