Muslim TV at Radio, itatayo ng PCOO sa Marawi City

Manila, Philippines – Tututukan ng Presidential Communications Operations Office ang pagtatao ng Free TV at Salaam Radio sa Marawi City habang ito ay dumadaan sa rehabilitasyon.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, 30 milyong piso ang inilaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa nasabing proyekto na isa sa kanyang mga prayoridad.
Samantala sinabi din ni Andanar na mataas ngayon ang morale ng mga sundalo pero wala dapat ipagdiwang dahil walang may gusto at walang nananalo sa giyera.
Kaugnay niyan ay sinabi naman ni Budget Secretary Benjamin Diokno na maglalabas ang gobyerno ng 30 billion pesos bond sa susunod na taon para pondohan ang rehabilitasyon ng Marawi City.

Facebook Comments