Mutation ng BA.5, mahigpit na binabantayan ng Philippine Genome Center

66

Nakatutok ang Philippine Genome Center sa posibilidad na magkaroon ng additional mutation ang BA.5 variant.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Dr. Cynthia Saloma, executive director ng Philippine Genome Center na sa ngayon ay wala pa naman silang nakukuhang report tungkol sa dagdag na mutation ng nasabing variant ng COVID-19.

Pero naka-monitor aniya sila kaugnay rito partikular sa kung magmu-mutate pa ito ng bagong variant.


Karamihan aniya ngayon dito sa bansa ay sub-variants ng B.2 subvariants habang sa Europa at sa US ay mas marami ang BA.5.1.

Bukod aniya rito ay wala na sila pang nakikitang mutation pa ng BA.5 variant ng COVID-19.

Facebook Comments