Mutual Defense Treaty, dapat pag-aralang mabuti – Malacañang

Manila, Philippines – Binigyang-diin ng Palasyo ng Malacañang na kailangan pag-aralan ulit ang halos pitong taong Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – tinanggap na ng bansa ang alok na proteksyon na Washington pero kailangang maging malinaw ang nilalaman ng kasunduan kung sakop nito ang pinag-aagawang West Philippine Sea (WPS) ng Pilipinas at China.

Sa ilalim na Mutual Defense Treaty, napagkasunduan ng Pilipinas at Estados Unidos na magtutulungan sa oras nang pangangailangan.


Samantala, noong nakaraang taon ay lumagda ang Manila at Beijing sa isang Memorandum of Agreement para (MOA) sa deposito ng langis sa pinag-aagawang teritoryo.

Facebook Comments