Gagamitin ng Pilipinas ang mutual defense treaty nito sa Amerika sa oras na may mamatay na Pilipino dahil sa mga aksyon ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Ito ang pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nang tanungin ng isang foreign correspondent sa Shangri-la Dialogue kung ano ang magiging dahilan para tawagin ng Pilipinas ang US.
Ayon kay PBBM, ituturing daw ito ng bansa bilang “act of war” kung may masawi na militar man o sibilyan.
Ang naturang aksyon aniya ay magpapataas ng antas ng pagtugon hindi lamang ng pamahalaan ng Pilipinas, kundi pati na rin ng mga kaalyadong bansa nito.
Nanindigan ang pangulo na gagamitin ng Pilipinas ang lahat ng legal remedies sakaling magresulta ang tensyon sa West Philippine Sea sa pagpatay sa isang Pilipino.