Inihayag ngayon ng Palasyo ng Malacañang na hindi maaaring ipatupad ang Mutual Defense Treaty o MDT sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos matapos ang insidete sa Recto Bank kung saan ay binangga at pinalubog ng isang Chinese Vessel ang banggkang pangisda ng mga Pilipino.
Ito ang sinabi ng Malacañang sa harap narin ng naging pahayag ni Senador Panfilo Lacson na dapat ay nag explore muna si Pangulong Duterte ng mga resources na maaaring gamitin tulad ng MDT bago nito isinuko ang usapin.
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, batay sa MDT ay kailangang magkaroon muna ng Armed Aggression laban sa Pilipinas bago ito maipatupad.
Wala naman aniyang nangyaring Armed Aggression na insidente at parehong sibilyan ang sangkot sa banggan ng dalawang banggkang pangisda.
Ganito din ang naging pahayag ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo kung saan ay sinabi nito na hindi naman nagkaroon ng armadong pagatake sa mga mangingisdang Pilipino.
Mutual Defense Treaty hindi maaaring ipatupad sa insidente sa Recto Bank ayon sa Malacañang