Mutual defense treaty ng US at Pilipinas, kailangan nang repasuhin dahil sa mga bagong hamon sa seguridad sa WPS

Napapanahon na para muling pag-aralan at magkaroon ng pagbabago sa Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Amerika.

Sa isang ambush interview sa Malacañang, sinabi National Maritime Council (NMC) Spokesperson Vice Admiral Alexander Lopez, 1951 pa nabuo ang kasunduan at marami nang nabago sa strategic landscape ng bansa kaya dapat nang suriin kung papano makapag-a-adapt ang treaty sa mga bagong hamon sa seguridad ng Pilipinas.

Pero sabi ni Lopez, kailangan muna nitong dumaan sa proseso at makabubuting ipaubaya sa Department of National Defense (DND) ang mga detalye kung papano ito gagawin.


Samantala, aminado naman ang NMC na nababahala sila sa paglobo ng bilang ng mga barko ng China sa ilang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Sa pinakahuling monitoring kasi ng Armed Forces of the Philippines (AFP), sinasabing halos triple na o umabot na sa 40 ang bilang ng Chinese Maritime Militia Vessels (CMMV) sa Escoda Shoal.

Lumobo rin anila sa 17 ang bilang ng CMMV sa Rozul Reef nitong August 20 hanggang 26, mula sa dating dalawa lamang noong August 13 hanggang 19.

Facebook Comments