Manila, Philippines – Pinasisilip ng Department of National Defense (DND) kung kailangan pa ba ng Pilipinas ang Mutual Defense Treaty o MDT.
Nabatid na taong 1951 nilagdaan ng Pilipinas at ng Estados Unidos ang nasabing kasunduan.
Sa ilalim ng kasunduan, ang anumang armado pag-atake sa karagatang pasipiko sa Pilipinas man o Amerika ay kapwa na maituturing na mapanganib sa isa’t-isa at kanila itong aaksyunan na naaayon sa kani-kanilang saligang batas.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana – pinag-aaralan na nila kung maari na bang ibasura ang MDT.
Naniniwala ang kalihim na dahil lamang sa MDT, baka madamay pa ang Pilipinas sa awayan ng U.S. at China.
May mga inatasan nang abogado si Lorenzana para pag-aralan ang kasunduan.
Facebook Comments