Manila, Philippines – Walang plano si Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang mutual defense treaty na nilagdaan ng Pilipinas at Amerika noon pang 1950’s.
Sa naging talumpati ng pangulo sa 11th Ambassadors’ Tour Philippine Reception sa Davao City, sinabi ng pangulo na mahalaga ang military alliance ng dalawang bansa sa kabila ng kanyang mga batikos sa Amerika.
Ito rin ang dahilan kung bakit hindi pumapasok ang pangulo sa mga kasunduang militar sa ibang mga bansa partikular na sa China at Russia.
Inamin rin ng pangulo na totoong umiinit ang kanyang ulo sa ilang mga puna ng U.S government lalo na noong panahon ni dating Pangulong Barrack Obama sa isyu ng war on drugs.
Pakiramdam ni Duterte na masyadong maliit ang pagtingin ng U.S. sa mga pinoy bagay na kanyang hindi umano palalampasin.
Pinasalamatan din ng pangulo ang tulong ng U.S State Department sa kampanya ng pamahalaan kontra terorismo lalo na sa nagaganap na kaguluhan sa Marawi City.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558