Mutual Defense Treaty sa US, pwedeng gamitin ng PH kasunod ng panibagong pangha-harass ng China

Maaaring gamitin ng Pilipinas ang Mutual Defense Treaty nito sa Estados Unidos kasunod ng panibagong pangha-harass ng China sa Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea.

Sa isang interview, sinabi ni dating Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na isang “gray zone tactic” ang ginawang panunutok ng China Coast Guard ng military-grade laser sa barko ng Pilipinas.

Sa ilalim ng international law, labag ang paggamit ng laser na maaaring magdulot ng pagkabulag.


Kaugnay nito, dapat aniyang klaruhin muna ng Pilipinas sa mga kaalyadong bansa kung maituturing na armadong pag-atake ang ginawa ng China.

Giit pa ni Carpio, nilabag ng new coast guard law ng China ang United Nations Charter kung saan nakasaad na hindi maaaring gumamit ng armed force ang isang estado para ayusin ang isang maritime o territorial dispute.

Facebook Comments