Mutya ng Cauayan 2019, Kinampanya ang Ilang Adbokasiya!

35

Cauayan City, Isabela- Nagsimula nang mag-ikot sa ilang paaralan sa Lungsod ang kinoronahang Mutya ng Cauayan 2019 para sa kanyang mga adbokasiya.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Mutya ng Cauayan Crystal Quim Diwa, bumisita na ito sa ilang paaralan sa Lungsod upang ikampanya ang kanyang adbokasiya na HIV Awareness, Environmental at Youth Campaign.


Layon ng kanyang adbokasiya na imulat sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagbibigay ng sex education upang mailayo sa posibleng pagkakaroon ng sakit na dulot ng pakikipagtalik sa iba’t ibang partner.

Binigyang-diin ni Ms. Diwa na dapat ay maging tapat ang isang indibidwal sa kanyang partner dahil posible aniya na magkaroon ng sakit na HIV kung makikipagtalik pa sa iba.

Inaasahan naman na sa mga susunod na araw ay magpapatuloy ang kanyang pagbibigay kaalaman patungkol sa HIV at pangangampanya sa kanyang iba pang adbokasiya.

Facebook Comments

From Advertisers