Mutya ng Pilipinas, wala munang ipapadalang kinatawan sa Miss Tourism International Pageant

Hindi magpapadala ang Mutya ng Pilipinas (MNP) organization ng kanilang kinatawan para sa Miss Tourism International (MTI) pageant dahil sa COVID-19 pandemic.

Batay sa pahayag ng MNP, nagdesisyon ang organisasyon na ihinto ang lahat ng kanilang aktibidad para sa taong 2020 kasama na ang MTI virtual pageant na isasagawa sa January 17, 2021.

Nilinaw naman ng MNP na ang kanilang desisyon ay hindi makakaapekto sa solidong alyansa sa dalawang organisasyon na nagsimula pa noong 1990s.”


Matatandaang si Cyrille Payumo mula Pampanga ang itinanghal na Miss Tourism International para sa 2019-2020 na ginanap sa Malaysia.

Facebook Comments