Tumulak na kaninang umaga mula sa Subic Bay Freeport Zone ang MV Amazing Grace ng Philippine Red Cross (PRC), ang kaisa-isang humanitarian vessel sa bansa dala ang mga relief goods patungo sa Catanduanes.
Lulan ng naturang barko ang isanlibong kitchen sets, 1,000 water containers, 1,000 hygiene kits at 500 sets ng non-food items.
Bukod dito ay nagpadala rin ang PRC ng 2 sasakyan na magagamit sa delivery of service at assistance.
Ayon kay PRC Chairman at CEO Sen. Richard Gordon, bukod sa pagtulong, adhikain din ng Red Cross na bawasan ang pagdurusa at bigyan ng panibagong pag-asa ang mga biktima ng kalamidad.
Bukod sa Typhoon Rolly Operation sa Bicol, inilunsad din ng PRC ang typhoon response sa Isabela at Cagayan.
Facebook Comments