MWF, posibleng masertipikahang urgent sakaling tuluyang maisulong ng Kongreso

Hindi malabong sertipikahan bilang “urgent” ang isinusulong na Maharlika Wealth Fund (MWF) bill.

Sa pulong balitaan, naitanong kay Senate President Juan Miguel Zubiri kung masesertipikahang bilang urgent ang sovereign wealth fund lalo’t nagpahayag ng pagpabor dito si Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Zubiri, bagamat hindi pa tapos ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala, hindi niya iniaalis ang posibilidad na masertipikahang urgent ang MWF bill lalo kung mapaplantsa na ito.


Paglilinaw naman ni Zubiri, hindi minamadali ng pangulo ang proseso ng panukala at magco-caucus o magpupulong pa ang Senado tungkol dito.

Sa ngayon, aniya ay masasabi pa lang na ikinukunsidera ng pangulo ang Maharlika fund at nagabiso na siya na matatagalan ang panukalang batas sa Mataas na Kapulungan dahil ito ay bubusisiin pa ng husto ng mga senador.

Facebook Comments