MWO Hong Kong, naglabas na ng pondo para sa 12 OFWs doon na may medical condition

Naglabas ng pondo sng Migrant Workers Office (MWO) Hong Kong para sa 12 Overseas Filipino Workers (OFWs) doon na may medical condition.

Ang naturang OFWs ay na-diagnose sa iba’t ibang serious illnesses tulad ng breast at cervical cancer, lymphoma at severe heart attack.

Sila ay tumanggap ng tig-75,000 pesos mula sa MWO Hong Kong.

Tiniyak din ng MWO ang pagtulong sa iba pang OFWs na may iba’t ibang problema.

Kabilang dito ang legal assistance, medical, repatriation assistance at maging ang shipment ng remains ng OFWs na binawian ng buhay habang nasa Hong Kong.

Facebook Comments