MWSS at dalawang Water Concessionaire, pinagmumulta ng Korte Suprema dahil sa paglabag sa Clean Water Act

Pinagmumulta ng Korte Suprema ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at Water Concessionaires na Maynilad at Manila Water.

Ito ay dahil sa hindi pagsunod sa Clean Water Act.

Sa botong 14-0, ibinasura n mataas na hukuman ang mga petisyon ng MWSS, Maynilad at Manila Water at sa halip, pinagtibay ang naunang desisyon ng Court of Appeals.


Mahigit ₱921 million ang ipinag-utos ng Korte Suprema na multa laban sa Maynilad at MWSS

Ang Manila Water kasama ang MWSS ay pinagbabayad din ng kaparehong halaga.

Kinakailangan bayaran ng mga petitioner ang multa sa loob ng 15 araw magmula sa araw na matanggap nila ang kopya ng desisyon.

Magmula rin sa araw na matanggap ang kopya ng desisyon hanggang makapagbayad nang buo o makapag-fully paid ang mga petitoner sa kanilang pananagutan, sila ay pinagbabayad din ng karagdagang 322,000 Pesos bawat araw.

Ang naturang halaga (P322 Thousand) ay madaragdagan pa ng 10 percent kada dalawang taon alinsunod sa itinatakda ng Clean Water Act.

Nagpataw pa ang Korte ng karagdagang six percent sa multa kada taon hanggang sa ang mga petitioner ay makatalima nang buo.

Ang kaso ay nag-ugat sa ipinataw na parusa ng DENR Pollution Adjudication Board noong 2009.

Ito ay dahil sa kabiguan ng mga petitioner na maglagay at mag-maintain ng Wastewater Treatment Facilities.

Facebook Comments