MWSS at mga water concessionaires pinagpapaliwanag sa nangyayaring water shortage kahit tag-ulan na

Pinagpapaliwanag ni House Minority Leader Danilo Suarez ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa sitwasyon ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ayon kay Suarez, nagtataka siya kung bakit kailan pumasok ang tag-ulan ay nararanasan pa rin ang water shortage.

Dahil dito, kinalampag ni Suarez ang MWSS at mga water concessionaires na magpaliwanag sa publiko at tugunan sa lalong madaling panahon ang nasabing problema.


Nauna dito ay inadopt ng Kamara ang House Resolution 2592 na humihikayat sa MWSS at iba pang kaukulang ahensya na madaliin ang mitigation ng krisis sa tubig at tiyakin ang ligtas at stable na suplay ng tubig sa bansa.

Matatandaang unang quarter ng 2019 ay nakaranas ng matinding krisis sa tubig ang maraming lugar sa Metro Manila bunsod umano ng kakulangan sa suplay ng tubig.

Facebook Comments