Itinakda na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang deadline sa pagbabayad ng bill ng tubig na naipon ng halos tatlong buwan dahil sa lockdown.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, bibigyan hanggang Agosto 31 ang lifeline-users ng Maynilad at Manila Water para mabayaran ang mga naipong bill sa loob ng quarantine period.
Sa Hulyo 31, 20220 naman ang deadline na ibinigay sa mga non-lifeline user.
Paliwanag ni Ty, lifeline users ang tawag sa mga gumagamit ng hanggang 10 cubic meters sa loob ng isang buwan.
Non-lifeline users naman ang mga konsyumer na gumagamit ng higit sa 10 cubic meters sa loob ng isang buwan.
Paliwanag pa ni Ty, magsisimula sa Hunyo 1, 2020 ang pagbabasa ng metro at paglalabas ng bill sa Maynilad at Manila Water.
Ngunit sa pamamagitan ng social media ng dalawang concessionaire, maaari nang malaman ang halaga ng inisyal na babayaran.