Manila, Philippines – Irerekomenda na ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS sa Manila Water na huwag na munang maningil ng konsumo ng kanilang customer ngayong Marso.
Ayon kay MWSS Chief Regulator Patrick Ty, makakabuti sa Manila Water na huwag munang maningil hanggat hindi pa nila naibabalik sa normal ang supply ng tubig.
Bukod rito, pinag-aaralan na rin ng MWSS na utusan ang Manila Water na magbigay ng rebate sa kanilang sa customer alinsunod sa concession agreement.
Nakasaad kasi sa concession agreement, na matapos ang 15 araw na water interruption na nakaapekto sa kapakanan ng publiko, maaari ng i-penalize ng MWSS ang water concessionaire.
Mababatid na bukas, March 23 ang ikalabing limang araw ng water interruption.
Giit ni Ty, sa Lunes, March 25 ay padadalhan na nila ng notice ang Manila Water.