Tuluyan nang kinansela ng Metropolitan Waterworks And Sewerage System ang concession agreement ng Manila Water at Maynilad.
Ito ang kinumpirma ni MWSS Chairman Reynado Velasco.
Ayon kay Velasco, hindi na iiral ang extension agreement mula 2022 hanggang 2037 na una ng inaprubahan noong 2015 sa ilalim ng Aquino administration.
Sinabi nito, mismong ang MWSS board ang nagdesisyong kanselahin ang naturang kasunduan upang bigyang daan ang pagbalangkas ng panibagong concession agreement.
Isang resolusyon ang inaprubahan ng MWSS board na tuluyang nagpapawalang bisa sa pagpapalawig ng nasbaing kasunduan.
Kanina, nagdesisyon na rin ang Manila Water at Maynilad na hindi na nila isusulong pa ang 7.4 billion pesos na singilin sa pamahalaan na una ng pinagtibay ng permanent arbitration court sa Singapore.
Bukod dito, wala na ring plano ang dalawang water concessionaire na ipatupad ang taas singil sa tubig na nakatakda sana sa buwan ng Enero ng susunod na taon.