Inanunsyo ni MWSS Deputy Administrator for Engineering Leonor Cleofas na kinansela na nila ang extension ng concession agreement ng Maynilad Water Services at Manila Water.
Ayon kay Cleofas, napagkaisahan ng mga Board of Directors noong Disyembre a-5 na ipawalang bisa ang kanilang resolusyon na nagpapalawig hanggang 2037 sa kontrata ng naturang mga water concessionaires.
Nangangahulugan aniya na magtatapos ang concession agreement sa 2022.
Ang extension ay unang inaprubahan noong 2009 sa ilalim ng Arroyo administration.
Dahil sa cancellation ng extension, kinumpirma ni Cleofas na maari nang pumasok ang mga bagong operators pagkatapos ng 2022.
Nauna nang iniatras ng Manila Water at Maynilad ang sinisingil nilang P7.4 billion at P3.4 billion sa gobyerno batay sa arbitral rulings.
Pareho ring inanunsyo ng dalawang concessionaires na hindi na nila itutuloy ang nakaambang water rate hikes sa January 2020