MWSS, magpupulong ngayong araw kaugnay sa paglalabas ng tubig mula sa Angat Dam

Magpupulong ngayong araw ang mga kinatawan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) at mga stakeholder hinggil sa pag-release ng water allocation mula sa Angat Dam.

Ito ay matapos ang alok ng San Miguel Corporation na makatulong sa paghahanap ng long-term solution sa nararanasang water crisis.

Sa pahayag, sinabi ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco layong ng pulong na matalakay ang saturation operations para sa susunod na dalawang linggo.


Inaasahang dadalo sa pulong ang mga opisyal ng Manila Water Company Incorporated, Maynila Water Services Incorporated, Bulacan Bulk Water Supply Project at ang ilang apektadong Local Government Unit (LGU).

Gayundin ang kinatawan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at Association of Volunteer Fire Chiefs and Firefighters of the Philippines.

Facebook Comments