MWSS, magsasagawa ng cloud seeding

Target ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pagsasagawa ng cloud seeding.

Lalo at nakikitang bababa sa critical level ang tubig sa Angat Dam, na siyang nagsusuplay sa mga irigasyon at sa Metro Manila.

Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco – nagpadala na sila ng kanilang formal recommendations sa DOST-PAGASA at sa Bureau of Soils and Water Management upang maibsan ang pagbaba ng lebel na tubig sa Angat Dam.


Sinabi naman ni National Water Resources Board Executive Director Sevillo David Jr. – normal lamang ang pagbaba ng water level sa Angat tuwing summer pero patuloy nilang binabantayan ito dahil na rin sa El Niño.

Una nang nagbabala ang PAGASA na pagdating sa katapusan ng Abril ay inaasahang bababa sa critical level ang tubig sa Angat Dam.

Facebook Comments