Aalamin ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS kung maaari ang soli-bayad sa mga customer na Manila Water na naperwisyo ng malawakang water interruption.
Ayon kay Patrick Ty, chief regulator ng MWSS, batid nila ang hinaing ng taumbayan pero hindi pa aniya ito ang focus ng ahensya.
Aniya, nakatutok sila ngayon sa paghahanap ng solusyon para maibalik sa normal ang supply ng tubig.
Sa datos ng Manila Water, 11 barangay na lang mula sa 61 ang nakakaranas ng paminsan-minsang water interruption.
Facebook Comments