MWSS, pinag-aaralang patawan ng sanctions ang Manila Water

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng board of trustees ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang kanilang regulatory office na pag-aralan ang pagpapataw ng sanctions laban sa water concessionaire na Manila Water.

Ito ay sa gitna na rin ng nararanasang kakulangan sa supply ng tubig sa east zone ng Metro Manila at Rizal Province.

Maliban sa penalty sa Manila Water dahil sa kabiguan nitong tumalima sa concession agreement, kasama rin sa pinag-aaralan ang pagsususpinde ng pagtaas ng singil sa tubig.


Inatasan na rin ng MWSS board ang regulatory office na magsumite ng rekomendasyon nito na may factual at legal basis.

Mula nitong March 28, nasa 98.1% nang naibalik ang serbisyo ng tubig sa mga sineserbisyuhan ng Manila Water.

Facebook Comments