Pinatawan na ng parusa ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang private water concessionaire na Manila Water kaugnay ng naranasang water shortage sa Metro Manila at Rizal province noong nakaraang buwan.
Multang P1.15 Billion ang ipinataw ng Government regulators sa naturang water service provider matapos ito nakitaan ng paglabag sa concession agreement na magbigay ng tuloy tuloy na serbisyo sa tustos ng tubig sa kanilang mga customers sa east concession zone.
Ang multa ay maliban pa sa P500 Million na ipinababalik sa mga consumers sa pamamagitan ng one-time bill waiver scheme.
Nauna nang hindi naningil Manila Water para sa buwan ng Marso sa mga labis na naapektuhan ng over water shortage.
Facebook Comments