MWSS, pinamamadali na sa pagbuo ng master plan para sa sapat na suplay ng tubig

Pinamamadali na ng Kamara ang MWSS sa pagbuo ng master plan para mapanatili ang sapat na suplay ng tubig matapos na i-adopt ng Kamara ang resolusyong inihain dito ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

 

Batay sa adopted House Resolution 2593, ipatutupad ang masterplan para sa mga tahanan, commercial establishments at industrial use sa Metro Manila na maaaring gayahin sa ibang bahagi ng bansa.

 

Nakapaloob sa resolusyon ang kahalagahan ng sapat na suplay ng tubig at paglaban sa negatibong epekto ng climate change at urbanization at natural disasters.


 

Tutukuyin rin ang mga polisiya at programang tutugon sa mga banta at hihimukin ang publiko na magtipid sa resources.

 

Binanggit ni Arroyo na ang kakulangan ng suplay ng tubig ay itinuturing na malaking problema sa buong mundo kung saan sa taya ng United Nations Department of Economic and Social Affairs ay 700 at 50 milyong tao ang mamumuhay nang walang malinis at ligtas na inuming tubig.

Facebook Comments