MWSS, pinapopondohan sa gobyerno

Inirekomenda ni House Minority Leader Danilo Suarez na gobyerno na lamang ang mag-pondo sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa halip na ang mga water concessionaires.

Para kay Suarez, hindi tama na ang Manila Water at Maynilad ang nagbabayad ng operational expenses ng MWSS dahil nababahiran ang mandato nito sa mga water concessionaires.

Kung pamahalaan aniya ang magpopondo ay mawawala ang duda na kaya mahina ang MWSS sa pag-regulate sa mga water concessionaires ay dahil ito ang nagpapasweldo sa kanila.


Sa naging pagdinig ng House Oversight Committee on Public Accounts, sinabi ni Maynilad chief operating officer Randolph Estrellado na nagbabayad ang Maynilad at Manila Water ng tig- P400 million sa concession fees taun-taon para pondohan ang MWSS.

Ilang bahagi nito ay pambayad sa utang at may parte para sa cost of operations ng MWSS kaya dun nanggagaling ang lahat ng gastusin.

Facebook Comments