Isinisi ng United Filipino Consumers and Commuters sa kapabayaan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System ang perwisyong pinagdaraanan ngayon ng mga konsumidor ng tubig sa Metro Manila.
Ayon kay RJ Javellana Jr, pangulo ng UFCC, hindi na sana nagtitiis ang mga water consumers 17 oras kada araw na mahina o walang supply ng tubig kung ginampanan ng MWSS ang papel nito bilang regulatory body.
Aniya, ang krisis sa tubig sa Angat Dam ay maaari naman sanang naiwasan kung tiniyak ng MWSS na naipatupad ng maayos ang mga Water Sustainability Projects simula pa noong 2002.
Dagpag pa ni Javellana, advance na kumolekta sa water bill ang Maynilad at Manila water pero wala pang naisakatupan sa mga proyekto.
Dahil dito,panawagan ng UFCC, isapubliko ang ang nalikom na pondo at napuntahan nito.