MWSS, tiniyak na may inilalatag na solusyon sa water shortage

Manila, Philippines – Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS na maglalatag ito ng mga solusyon hinggil sa kakulangan ng supply ng tubig.

Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, hindi na sila mangangatwiran kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, titiyakin nila sa Pangulo na hindi na mauulit ang nangyaring water shortage.


Sabi ni Velasco, kapag hindi nila ito nagawa ay handa siyang magbitiw sa pwesto.

Facebook Comments