MWSS, tiniyak na may relokasyon ang mga katutubong maaapektuhan ng pagpapatayo ng Kaliwa Dam

Tiniyak ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na mayroong relokasyon na ang mga katutubong dumagat na maapektuhan ng pagpapatayo ng Kaliwa Dam.

Ayon kay MWSS Administrator Emmanuel Salamat, tatlo ang relocation sites, kabilang na rito ang Sitio Cablao, Barangay Pagsangahan, at bayan ng General Nakar sa Quezon.

Aniya, 46 na pamilya lamang ang maaapektuhan habang nasa 378 ang indirectly affected.


Tugon ni National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) Chairperson Allen Capuyan, wala pang permiso mula sa mga katutubo ang pagpapatayo ng Kaliwa Dam.

Hindi pa rin aniya tukoy kung ilan ang maaapektuhan.

Sa ilalim ng Republic Act 8371 o Indigenouns People’s Rights Act of 1997, pag-aari ng mga katutubo ang mga lupang kinagisnan nila at ng kanilang mga ninuno.

Kung gagamitin ang anumang Ancestral Domain ay dapat may pahintulot mula sa mga katutubo.

Samantala, may Notice to Proceed na China Energy Engineering Corporation para itayo ang 12.2 Billion Dollar na proyekto.

Hinihintay na lang din na maaprubahan ng MWSS Board ang disenyo ng Dam.

Kinokontra ito ng NCIP, kung saan hindi pa pwedeng magsimula hangga’t wala pang Certificate of Precondition na aprubado ng NCIP Commission En Banc.

Facebook Comments