MWSS, tiniyak na pangangalagaan ang kapakanan ng mga indigenous people sa itatayong Kaliwa Dam

Manila, Philippines – Tiniyak ng Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) na hindi pababayaan ang mga indigenous people (IPs) na nakatira sa paligid ng Kaliwa Dam sa Infanta, Quezon sakaling maging operational na ito.

Sa ginaganap na oversight hearing sa Kamara kaugnay sa problema sa suplay ng tubig, sinabi ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco na ginagawa pa ang disenyo sa operasyon ng Kaliwa Dam.

Inaasahan na sa pagsapit ng Agosto ay makakakuha na sila ng final approval sa operasyon ng dam.


Pero kahit makakuha man sila ng final approval, hindi naman nila itutuloy ang proyektong ito na hindi isinasaalang-alang ang kapakanan ng mga IPs na nakatira sa palibot ng Kaliwa Dam.

Sinisiguro ng MWSS na masusunod ang lahat ng requirements sa proyekto upang hindi naman magdusa ang mga IPs.

Sinasabi na ang Kaliwa Dam ay makakatulong sa supply ng tubig sa Metro Manila na kumukuha ngayon ng higit 90% ng kanilang ginagamit na water allocation sa Angat Dam.

Facebook Comments