Walang mangyayaring kakapusan sa tubig sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya ng Rizal, Cavite, at Laguna hanggang taong 2035.
Sa pagdinig ng House Committee on Metro Manila Development, sinabi ni Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Administrator Reynaldo Velasco, magiging sapat ang supply sa National Capital Region (NCR) hanggang 2035 batay na rin sa potable water roadmap na isinumite nila kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Nakipag-usap na rin ang MWSS sa Manila Water at Maynilad para sa nasSabing road map at nangako ang dalawang concessionaires na walang inaasahang water shortage ngayong taon at sa 2022.
Samantala, magsisimula na sa Mayo ang pagtatayo ng Kaliwa Dam sa Mayo.
Facebook Comments