Mychal Ammons, target makuha ng NorthPort para sa governors cup

Inaasahan ng NorthPort Batang Pier si TNT Mychal Ammons sa kanilang koponan bilang import para sa 2019 PBA Governors Cup.

Ayon sa ulat, makikipag-usap ang Batang Pier kay Ammons sa kanyang pagbabalik sa PBA sa September 1.

Huling naglaro ang former TNT player sa Mexico kung saan nakapagtala ito ng average na 17.1 points, 2.8 assists at 1.4 steals.


Sa 12 laro sa Tropang Texters, nakapagtala naman si Mychal ng 14.75 points, 12.92 rebounds, at 1.5 blocks.

Facebook Comments