Myembro ng Bigtime Drug Syndicate arestado ng PDEA 12

Naaresto ng pinagsanib na pwersa ng PDEA Region 12 katuwang ang mga elemento ng kapulisan ang dalawang hinihinalang mga myembro ng El Patron Drug Group na nag ooperate di lamang sa rehiyon dose kundi sa buong bansa.

Kinilala ni PDEA 12 Director Gil Ceasar Castro ang magkakaptid na suspeks na sina Faroon at Alhotaibby Lumatao kapwa mga itinuturing na High Value Target at sinasabing mga konektado sa Anzhar Al–Khalifa Philippines (AKP) .

Nakumpiska sa mga ito ang 40 grams ng shabu na tinatayang nagkakahalaga sa 440 libong piso, rifle grenade, hand grenade , mga bala, mga dokumento , passbook, greenbook na umanoy listahan ng iba pang mga myembro ng Drug Syndicate at Black Flag. Nahuli ang mga suspeks sa bahagi ng Brgy. Kanalo, Maasim, Sarangani Province.


Sinasabing kabilang ang dalawa sa matagal ng minomonitor ng PDEA 12 na El Patron Drug Group na binubuo ng mga politiko, mga negosyante at mga armadong grupo na di umanoy daang daang milyong halaga ng drug transaction ang inooperate mula New Bilibid Prison, Luzon, Visayas at Mindanao.

Kasalukyang nasa custody na ng PDEA 12 ang mga suspeks at inihahanda na ang mga kaukulang kaso dagdag ni Director Castro.

PDEA 12 PICS



Facebook Comments