Myembro ng Carnap for Ransom Arestado

Kalaboso ang suspected Motornapper at modus nito ang carnap for ransom na kinilalang si CANDAO MANDALAET ABDUL, 28-year-old, residente ng Sitio Sphere, Brgy. Dalumangcob, Sultan Kudarat, Maguindanao.

Sa report mula kay PO2 Mujeeb B. Sepi , case investigator ng SK PNP, sangkot ang suspek sa pagtangay ng XRM 110 Motorcycle sa bahagi ng Brgy. Dalumangcob.

Naaresto ang suspek sa follow up operation ng pinagsanib ng pwersa ng Cotabato City Station # 1 at Brgy Officials ng Poblacion 2, sinubukan pa aniyang ipatubos ng suspek ang ninakaw na motor sa mismong may ari .


Kasalukuyang himas rehas na sa selda ng Sultan Kudarat PNP ang suspek ang inihahanda na ang kaukulang kaso.

Kaugnay nito mas hinigpitan pa ngayon ang seguridad sa Sultan Kudarat.

Facebook Comments